Paano Kumuha ng Theoretical Driving Certificate TDC
Nag babalak kabang kumuha ng Student Permit para maka kuha ng Drivers License sa LTO pero kailangan pa ng TDC? basahing mabuti ang nilalaman ng Blog na ito para malaman ang mga dapat gawin at mga requirements para makakuha ng TDC para makapag apply ng Student Permit sa LTO.
Ano ang TDC?
-Ang TDC o tinatawag na Theoretical Driving Course ay isa sa Requirements ng LTO para maka kuha ka ng Student Permit.
Bakit kailangan pa kumuha ng TDC , dati wala naman yun?
- Nirerequire na ngayon ng LTO na kailangan mo muna kumuha ng TDC para magkaroon ka ng mga kaalaman tungkol sa pag mamaneho , tamang pag gamit ng mga signals o signage sa kalsada para hindi ka maging kamote rider, Maraming mga tao na marunong mag dala ng mga sasakyan pero may mga kakulangan ito sa kaalaman tungkol sa ating mga alituntunin na dapat gawin kapag tayo ay nag namaneho , kaya ang TDC ay malaking tulong ito para magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa ating batas sa kalsada at tulong narin ito para magkaroon ka ng sapat na kaalaman tungkol sa pag mamaneho.
Ano Requirements at mga process para maka kuha ng TDC?
1. Kailangan mo ng pera para sa pag papa enroll para maka kuha ng TDC.
2. Birth Certificate or any Valid ID para sa pag encode ng pangalan mo sa system
Saan pwede mag enroll?
- Pwede ka mag enroll sa accredited Driving School ng LTO nag oofer yun ng TDC at PDC.
-Mag inquire ka na malapit sainyo kung magkano ang babayaran para sa enrollment at kung kasama na libro.
-Pwede karin nag tanong sa Baranggay nyo baka meron program ang municipality nyo para sa TDC maka libre kapa.
May Online Schooling for TDC?
- Ask mo rin yung School kung may Online sila para sa TDC , kung meron bibigyan ka nila module, basahin mo yun ng dalawang araw at sa ikatlong araw mag eexam ka sa school mismo ng pinag enrolan mo.
- Madali lang ang exam kung nag babasa ka ng mga binigay na module or books , nandun lahat ng sagot kaya mag review ka at mag seryoso sa pag basa.
Ano ang actual na gina gawa kapag naka enroll na sa Face to Face TDC?
-Kapag sa Face to Face ka at Hindi online schooling ang gagawin dun sa unang araw ay mag lelecture yung instructor sainyo tungkol sa binigay na libro sainyo about lahat yun sa Pag da drive kalahating libro yun.
-Second Day Lecture ulit ng natirang kalahati na Libro at may Quiz yun
-Third Day Final Exam , kailangan mo yun maipasa para maka kuha ka ng TDC.
Ano mangyayari kapag bagsak?
- Huwag ka mag alala pag bagsak pwede ka mag exam ulit ng hanggang tatlong beses or hanggang sa maipasa mo yung exam pero meron ding school na hanggang tatlong beses lang pwede mag take ng exam , kapag bagsak ka kailangan mo mag enroll ulit para sa TDC, another gastos nanaman yun, kaya mag review ka at mag focus para maka pasa sa TDC , unang pag subok palang yan ang TDC marami kapang pag dadaanan .
Ano sunod na gagawin kapag naka pasa at meron nang TDC?
-Pwede kana mag apply ng Student Permit pakita mo lang TDC mo at Valid ID nasa link sa baba ang Requirements para sa pag kuha ng Student Permit sa LTO click mo yun para malaman mo ☺️
Ito yung link 👉
So yun lang yung mga gagawin para magkaroon ka ng TDC, madali lang naman yun maka kuha need lang talaga ng review aral at tyaga , mas maganda pinag hirapan mo para maging proud ka , kesa nagpa assit ka sa Fixer sayang lang pera mo kung Peke hahahaha, kaya wag ka mag pa Fixer para di ka maging KAMOTE RIDER 😂. Paki share yung blog ko na ito sa mga kakilala mo para mabasa nila , subscribe ka narin sa YouTube Channel ko salamat , RIDE SAFE MGA IDOL .
Comments
Post a Comment