SEATAOO 1% PENALTY DEDUCTION

Image
 SEATAOO 1% PENALTY DEDUCTION TOPIC TUWING KAILAN NAG KAKA PENALTY ANG ISANG SELLER SA SEATAOO?               -Bilang isang seataoo seller may roon po tayong responsibilidad to fulfill ang order ng customer natin , kaya mayroon po tayong nakikita sa dashboard na Processing Rate, kailangan nakapag 55% up po tayo na processing rate kada evaluation para maipasa ang evaluation at maiwasan ang penalty. May dalawang evaluation tayo kada buan , first evaluation ay kada 15th ng buwan , second evaluation naman kada katapusan ng buwan. Nagkaka penalty lang tayo kapag di tayo pasado sa evaluation. Paano ang Penalty sa naka 7% profit rate?     - Kapag ikaw ay naka 7% na profit rate sa buong na published mong items tapos hindi ka pasado sa first evaluation , automatic wala kapang penalty or kaltas na 1% since naka 7% profit rate ka, pag dating ng second evaluation which is yun yung end of the month tapos hindi ka parin pasado , doon kana po kaka...

Paano mag pa Brace ng Ipin

Ano ang mga dapat gawin bago magpa brace ng ipin?



Nagbabalak ka bang magpa brace ng ipin pero nahihiya kapa dahil hindi mo pa alam kung ano ang mga dapat gawin bago mag pa brace? sa Blog na ito pag uusapan natin kung ano muna ang mga dapat mong gawin o dapat mo alamin bago magpa brace.

1.Tingnan mo muna ipin mo sa salamin kung dapat ba talagang i brace or gusto mo lang dahil trip mo lang?

    alamin mo muna kung dapat ba talagang i brace ipin mo , kung talaga bang sungki sungki ipin mo at kailangan na talagang i brace para pumantay at gumanda , yung iba kasi gusto lang magpa brace kahit pantay naman ipin nila para sa porma lang or para may dekorasyon lang ang ipin, ang suggestion ko nalang sainyo ay magpa retainer nalang kung di naman talaga dapat lagyan ng brace ipin mo , mas makaka tipid kapa kasi mura ang retainer.

2. Mag research tungkol sa ibat ibang klase ng mga braces na gusto mo ilagay sa ipin mo.

    Kung sa tingin mo na dapat nga talaga i brace ipin mo dahil hindi pantay , mag search kana kung anong klaseng braces ang ipapakabit mo sa ipin mo, narito ang ibat ibang klase ng braces na pwede mo pag pipilian


Metallic Braces




Sapphire Braces




Self Ligating Braces



Ceramic Braces

 Lingual Braces









Metallic Braces - ito ang kadalasan pinapakabit at kadalasan nating nakikita sa tao na  may braces pwede sya lagyan ng ibat ibang kulay ng rubber band at every month ang adjustment.

Disadvantage : possible na babaho hininga mo dahil nga metallic sya at prone sya na magkakaroon ka ng singaw at halata na meron ka talagang braces dahil nga metallic
Advantage: mura lang sya at hindi sya masyado bulky kesa sa ibang braces 

Sapphire Braces: ito ang isa sa mahal na braces dahil gawa sya sa sapphire at na adopt nya ang kulay ng ipin kaya hindi halata same function lang sila ng metallic braces ang pinagkaiba lang transparent ang sapphire braces.

Self Ligating Braces: ito ang braces na recommend sayo ng dentist kapag overseas worker ka dahil nag automatic naito adjust madalang ka nalang magpa adjust or pumunta sa dentista 
Advantage: hindi mo na kailangan pa pumunta everymonth para magpa adjust
Disadvantage: kailangan mo mag maintain sa cleaning at pagtoothbrush para hindi ma stockan ng tartar ang braces para di masyado babaho hininga mo since madalang ka pumunta sa dentista kailangan mo talaga mag maintain ng cleaning. at buo ang ang payment sa self ligating bawal installment.

Ceramic Braces: ito ang braces na hawig din sa sapphire braces dahil gawa naman ito sa ceramic hindi rin masyado halata sa ipin mo ang ceramic braces , ito din ang karaniwang braces ng mga artista para hindi halata.
Advantage: hindi masyado babaho hininga mo dahil ceramic at hawig sya sa ipin mo kaya hindi halata, hindi rin masyado masakit kapag nakabit na kumpara sa metallic braces at pwede sya installment kagaya sa metallic , same function din sila ng metallic.
Disadvantage: bulky ang ceramic kesa sa metallic kaya yung bibig mo medyo bulky rin dahil sa ceramic, mahal ng x2 ang ceramic kesa sa metallic magkakasingaw karin kagaya sa metallic.

Lingual Braces : ito naman ang braces na hindi talaga hatala dahil naka lagay ito sa likod ng ipin mo
Advantage: hindi nakikita dahil sa loob lang sya ng ipin 
Disadvantage : mahirap ikabit , mahirap kumain dahil nga nasa loob ng ipin at hindi kumportable sa dila .


3. Mag hanap ng malapit na clinic para doon magpa brace.

    Kung nakapag decide kana ng klase na braces ipapakabit mo , pwede kana mag hanap ng clinic na malapit sainyo huwag ka sa malayo dahil hassle sa byahe at mahuhuli ka sa appointment dahil hindi lang naman ikaw ang magpapa appointment sa dentista , pwera nalang kung vip ka hahaha, kaya suggest ko sayo na malapit lang at sa legit  ka na clinic magpa brace hindi sa lazada at shopee na nabibili lang masisira talaga ipin mo . para malaman kung legit yung clinic , stalk mo fb page nila at magtanong tanong karin sa mga naka experience na sa clinic nila.

4. Magpa checkup muna

    Kapag nakahanap kana ng legit at magandang clinic mag book kana ng appointment sa kanila para mag pa checkup , titingnan ng dentista ipin mo kung dapat ba e brace talaga or retainer nalang , tapos dun mo rin i concern sa dentista kung ano gusto mong braces metallic, ceramic self ligating at iba pa, dun mo rin malalaman kung may dapat pabang bunutin o may dapat bang pastahan ang ipin mo, after check up  kung nakapag decide kana na doon ka magpa brace sa clinic nayun , ipapa xray mo na ang ipin mo para malaman ng dentista kung ano gagawin nya na process para sa pag papakabit ng braces sa ipin mo, dun din makikita sa xray kung may dapat bunutin na wisdom tooth. at sa check up morin malalaman kung magkano ang presyo sa pagpapa brace mo , kung pwede installment or fullpayment ang kailangan.

5. Magpa schedule na ng appointment para sa pagpapakabit

    Kung final na desisyon mo sa pagpapa brace at naka hanap kana ng clinic at tapos na checkup at xray mo , mag book kana ng appointment para sa schedule ng pag kabit sa braces mo , ang gagawin ng dentista lilinisin muna ipin mo kung wala naman bubunutin, next papastahan kung kailangan , at kakabitan na nila ng braces ipin mo , ang oras ng prcocedure depende yun sa proseso mga isang oras hanggang dalawang oras siguro pero depende parin kaya prepare mo na bunganga mo sa pag nganga , sa laway naman wag ka mag alala dahil may taga higop sila na tubo para sa laway mo.

6.Side Effects kapag naka braces na

    After kabitan ng braces hidi ka muna makakaramdam ng sakit dahil after 2 to 3 days payun bago mo maramdaman dahil meron nayan pagbabagong adjustments sa ipin mo , kumbaga doon na gumagalaw ipin mo , mga side effects na mararamdaman mo ay mangangalay na panga mo , hirap kumain , at kapag magsasalita ka may esh na mesyo soshyal diba haha , next after 5 days siguro dun kanarin tutubuan ng singaw at yung wire hahaba na dahil nag babago na posisyon ipin mo , at after  or before 1 month punta kana sa dentista mo for adjustments.

Comments

Popular posts from this blog

SEATAOO 1% PENALTY DEDUCTION

Paano mag apply ng Retirement Benefit Online sa SSS

My Seataoo Journey