SEATAOO 1% PENALTY DEDUCTION

Ang Website na ito ay hindi kaakibat sa anumang mga Ahensya ng Pamahalaan, Kompanya o Organisasyon sa Pilipinas. Ang layunin ng website na ito ay upang magbigay ng kapaki-pakinabang at lehitimong impormasyon sa lahat ng Pilipino na nangangailangan ng gabay upang masagot ang kanilang mga katanungan.
- Theoretical Driving Course - Ito na ang bagong requirements ng LTO , kailangan mo muna mag enrol sa accredited school ng LTO para maka kuha ng Theoretical Driving Certificate, kapag wala kang TDC hindi ka pwede maka kuha ng Student Permit ang bayad sa pag enroll sa acredited school ay P1,000 to 3,000 plus , pero kung masaydong mahal ito saiyo meron naman pong libre si LTO kailangan mo lang mag inquire sa kanilang Facebook kung kailan magkakaroon ng Free TDC, ganun narin sa inyong baranggay minsan mayroon silang programa para sa libreng TDC, kaya bago ka mag enroll mag hanap ka muna ng libre o mas mura para maka tipid ka. 15 hours ang lectures para matapos ang TDC 3 days yun or 2 days depende kung saan ka kukuha , pagkatapos ng lecture sa pinaka last day ay mayroong exam , kailangan mo maipasa iyon para mabigyan ka ng TDC, kung hindi ka pumasa pwede ka mag exam ulit hanggang sa makapasa ka wala na bayad para sa pag retake ng exam.
- Medical Certificate - ito ang pangalawang requirements, pagkatapos mo kumuha ng TDC at kung ikaw ay pasado pwede kana mag punta sa accredited clinic ng LTO para sa medical papabasahin kalang naman dun ng letters kung okay ang vision ng mata mo , ang bayad sa pagkuha ng Medical Certificate ay 300 to 700 pesos depende kung saan ka na clinic , pwede mo na rin isabay ang pagkuha ng Medical Certificate sa pag kuha ng Student Permit para isang araw lang lakad mo.
- APL Form Application for Student Driver's Permit / Driver's License / Conductor License - Ito ang pangatlong requirements para sa pagkuha ng Student Permit kailangan mayroon kanang form para sa pag punta mo sa LTO ay ipapasa mo nalang ito , pwede mo ito ma download Online at sulatan ng iyong mga information tapos ito ang ibigay mo sa clinic para bigyan ka nila ng Medcert at nang maka punta kana sa office ng LTO para sa pag process ng Studenrt Permit mo , kung wala kanamang Form okay lang pwede ka humingi sa Clinic or LTO mismo libre lang yun walang bayad.
- Valid id or Birth Certificate - pang apat magdala karin ng valid id or birth certificate at ipa photocopy mo dahil kailangan ito, kung wala kang valid id pwede ka kumuha ng barangay id at barangay clearance na katunayan ay nakatira ka sa address na nilagay mo sa form, kuha karin ng police clearance kung hinahanap sayo ng LTO para sa identity verificarion.
PROCESS
Kapag kumpleto na requirements mo kung mayroon kanang TDC, Medical Certificate , APL Form at Valid ID , pwede kana pumunta sa LTO, punta ka muna sa information at sabihin na kukuha ka ng Student Permit at tatanungin ka nun kung okay na requirements mo , kapag na review na nya requirements mo at kung walang problema, bibigyan kana ng number at antayin nalang matawag number mo , kapag natawag kana ang una nilang gagawin ay kukunin ang form mo para sa pag encode ng mga information mo sa LTO pagkatapos bibigyan ka ng papel para bayaran ang Student Permit 250 po ang bayad ng student permit , tanungin mo ang nag bigay ng papel kung saan banda babayaran dahil minsan sa bayad center sila nag papabayad kapag sa mall ka kumuha , kapag bayad mo na ang 250 pesos bigay mo na sakanila ang recibo at antayin ulit na tawagin ang pangalan mo para picturan ka nila at kukuhanan ka ng Fingerprint at Pirma , ayusin mo nalang ang mukha mo para sa picture. kapag tapos kana kuhanan ng biometrics bibigay na sayo ang student permit mo.
Mga Tanong
Ilang taon ang pwede kumuha ng Student Pemit? - 17 Years old pataas ang pwede makakuha ng Student Permit, dati 16 pwede na pero ngayong 2022 binago na dahil nagka pandemya at 17 na ang pwede maka kuha ng SP.
May Expiration ba ang Student Permit? - 1 year validity ang student permit kapag expired na bawal kana kumuha ng Non pro, kailangan mo ulit kumuha ng Student Permit para maka kuha ng Non Pro.
Pwede naba kumuha ng Non Pro kapag naka kuha na ng Student Permit?- After 1 month kapa pwede maka kuha ng nonpro , pagkatapos mo kumuha ng student patapusin mo muna ang 1 month para makapag apply kana ng Non Pro.
May Expiration ba ang TDC? - 1 year validity ang TDC kaya kung expired na ito bawal kana kumuha ng Student Permit kailangan mo mag enroll ulit.
Ilang months ang Expiration ng Medical - 2 Months ang expiration ng medical pero magiging depende parin ito sa pinagkuhanan mo , dalawang original copy kunin mo sa medical para magamit mo ang isa para sa pagkuha ng Non pro , para makatipid ka sa gastos pero dapag bago mag expired kailangan maka kuha kana ng Non pro para di sayang.
Comments
Post a Comment