SEATAOO 1% PENALTY DEDUCTION

Ang Website na ito ay hindi kaakibat sa anumang mga Ahensya ng Pamahalaan, Kompanya o Organisasyon sa Pilipinas. Ang layunin ng website na ito ay upang magbigay ng kapaki-pakinabang at lehitimong impormasyon sa lahat ng Pilipino na nangangailangan ng gabay upang masagot ang kanilang mga katanungan.
Alinsunod sa National Internal
Revenue Code of 1997, o kilala din bilang Tax Code,
kinakailangan ang Tax Identification Number (TIN) sa pagbabayad ng buwis at iba
pang transakyon sa naatasang ahensiya, ang Bureau of Internal Revenue (BIR).
Hindi kailangan mangamba dahil may mga paraan kung paano kumuha ng TIN ID.
Mga Paraan para sa Pag kuha ng TIN para sa
INDIVIDUAL
Paalala
lang po sa mga wala pang TIN,
Kung ikaw ay bago palang sa trabaho (First Time Job) at wala
pang Tax Identification Number maaari po na ang kumpanya na
papasukan mo ay sila ang dapat na kumuha ng TIN para sa iyo dahil mayroon nang
Online, pwede mag file ang iyong papasukan na kumpanya sa Website ng BIR
pumunta lamang sa eReg online facility ng BIR Website upang duon ka nila kuhanan
ng TIN at kailangan mayroong online account ang iyong kumpanya. Tandaan na
minsan lang puwedeng makakuha ng TIN at pang habang buhay na ang pagkakatala ng
numerong ito sa indibidwal, grupo, o negosyo.
Paano kumuha ng TIN ID
Para sa
pagkuha ng TIN ID narito ang mga requirements
Kapag
ikaw ay empleyado kailangan mo mag pasa ng
-BIR
Form 1902 at kailangan mo itong i-fill out
-Government
Issued ID na nag papatunay ng iyong pangalan, birthdate at
address Kabilang dito ang birth certificate, passport, driver’s license, o
community tax certificate. Ibigay din ang marriage certificate kung hingin
ito.
Para sa
non-Filipino o alien employee, kailangan ang passport at working permit o, at
kung sakaling inaayos pa ito, ang kopya na lamang ng naipasang Application
for Alien Employment Permit (AEP) sa Department of Labor and Employment (DOLE)
ang ibigay.\
Paano kung walang E-reg Online Account ang
kumpanya?
Kung
walang eReg account ang kumpanya, ang empleyado ang mismong pupunta sa sangay
ng BIR na tinatawag na Revenue District Office (RDO). Maaari siyang magsadya sa
RDO kung saang siyudad matatagpuan ang pinapasukan niyang kumpanya o kaya ang
kanyang tirahan. Ngayong panahon ng community quarantine bunsod ng COVID-19
pandemic, bukas ang mga opisina ng BIR ng Monday hanggang Friday, 9 a.m. to 4
p.m.
Ihanda
ang mga dadalhing requirements. Puwedeng ma-download mula sa BIR website ang
BIR Form 1902 o ang Application for Registration for Individuals Earning Purely
Compensation Income (Local and Alien Employee). Mayroon din ito sa RDO mismo.
Sagutan ang form at i-submit ito kasama ang government-issued ID.
Pagkatapos
mo mag submit at kapag na process na ito, makukuha na ang TIN ID. Isang
cardboard ito na kulay dilaw at nakasulat dito ang numero bilang taxpayer.
Kailangan mo itong Lagdaan, dikitan ng ID picture, at ipa-laminate upang
maging ganap na ID ang itsura. Naiulat noong
January 2019 ang plano ng BIR na mag-issue ng TIN ID na may bagong disensyo,
pero hindi pa ito naisasakatuparan.
Paalala
lang ng BIR sa mga new employees na dapat gawin ang filing ng application sa
loob ng 10 days mula nang magsimulang magtrabaho sa bagong pinapasukang
kumpanya.
Mga Paraan para sa Pag kuha ng TIN para sa Self-
Employed
Para naman po sa mga
self-employed gaya ng single proprietors, professionals, at freelancers. Kasama
din sa kategorya ang empleyado na may iba pang pinagkakakitaan (mixed-income
individual).
Bago ka pumunta ang sa
iyong RDO, mainam na tumawag muna sa BIR para makuha ang kumpletong requirements.
Bukod kasi sa government-issued ID at application form, maaaring hanapan ng iba
pang dokumento gaya ng mayor’s permit. Kung gagamit naman ng business trade
name, dalhin ang DTI Certificate of Business Name.
Pag
dating sa RDO, hingin ang 2018 version ng BIR Form 1901 (Application for
Registration for Self-Employed and Mixed-Income Individuals, Non-Resident Alien
Engaged in Trade Business, Estates/Trusts). Sagutan ito at pumila sa New
Business Registrant Counter, kung saan isusumite ang lahat ng mga requirements.
Kung
kumpleto ang dalang requirements, sasabihin ng kawani sa New Business
Registrant Counter ang mga susunod na hakbang. Una dito ang pagbabayad ng
Annual Registration Fee na Php500 at pagkakaroon ng resibo. (Basahin dito kung paano ang proseso ng pagkuha ng
resibo.) Gawin ang lahat ng mga hakbang hanggang sa makakuha ng
Certificate of Registration (Form 2303).
Halos
pareho ang paraan kung paano makakuha ng TIN ID para sa corporation at
partnership, kabilang ang government agencies and instrumentalities (GAI) at
local government units (LGU), at para sa one-time taxpayers.
Iba
lang ang gagamitin na form: BIR Form 1903 para sa unang grupo at BIR Form 1904
para sa huli.
Comments
Post a Comment